2nd batch ng mga bagong Kongresista sumalang sa Orientation Seminar sa mababang kapulungan ng Kongreso

Sumailalim sa Orientation Seminar ang ikalawang batch ng mga bagong Kongresista na bubuo ng 19th Congress.

Batay sa report na inilabas ng House of Representatives Secretariat 57 first termer na Kongresista ang tinuruan kung ano ang mga parliamentary rules and procedure sa mga isasagawang plenary session at committee hearing ganun din ang proseso sa budget deliberations.

Kabilang sa prominenteng pangalan na sumalang sa second batch ng orientation ay sina presidential son Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos, Leyte Congressman Richard Gomez at Palawan Congressman Edward Hagedorn.

Tatagal ang orientation seminar ng mga bagong Kongresista hanggang July 6.

Vic Somintac

Please follow and like us: