3 katao sugatan matapos salpukin ng dump truck ang poste ng kuryente at isang junk shop sa Brgy. Batasan hills, Quezon city

Tatlo katao ang sugatan matapos bumangga ang dump truck sa isang junk shop sa bahagi ng Batasan-San mateo Road sa Barangay Batasan hills, Quezon city.

Kabilang sa nasugatan ang driver ng truck at ang sakay nito at isang hindi pa nakikilalang babae.

Naganap ang aksidente pasado alas 5 ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon unang sumalpok ang dump truck sa poste ng kuryente bago ito bumangga sa isang junk shop.

Dahil sa insidente nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar .

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatan.

Nagdulot naman ng matinding trapiko papuntang San Mateo, Rizal matapos pansamantalang isara at alisin ang truck .

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Allan Ponce Jr.

Please follow and like us: