3 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat sa Zamboanga Sibugay

Aabot sa 3 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa Zamboanga Sibugay.

Ang mga nasabat na sigarilyo natagpuan sa loob ng isang truck habang nagsasagawa ng anti-smuggling operation ang Bureau of Customs – Port of Zamboanga katuwang ang pulisya at militar matapos makatanggap ng tip na ang nasabing sasakyan ay may sakay na kontrabando.

85 cases ng kontrabando na nagtataglay ng iba’t ibang brand ng sigarilyo ang natagpuan ng mga awtoridad.

Agad namang kinumpiska ang nasabing truck at mga puslit na sigarilyo para sa proper disposition dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang “Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: