3 patay, 1 nawawala sa pananalasa ng Tropical Storm Dante

Tatlo na ang naitalang patay, isa ang nawawala at dalawa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Dante.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa sa mga biktima ay isang taong gulang na lalake sa Panoraon, Davao de Oro na namatay sa landslide.

Namatay naman sa flashflood ang isang 71-anyos na lalake sa Panoraon, Davao del Sur at isang 14- anyos na babae sa Norala, South Cotabato.

Dalawa naman ang nasugatan sa Davao Oriental matapos tamaan ng mga debris dulot ng malakas na ulan.

Sa ngayon ay umaabot na sa 566 mga pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa 18 Barangay sa Regions 10 at 12.

Nagdeklara na ng work stoppage sa Northern at Eastern Samar kasama na ang Southern Leyte dahil sa epekto ng bagyo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: