3 sugatan matapos bumagsak ang poste ng mga kuryente sa Binondo Maynila

Sugatan ang tatlo katao matapos magbagsakan ang pitong poste ng kuryente sa Binondo , Maynila .

Bandang 12:41 ng hapon nang bumagsak ang pitong poste ng kuryente sa Quintin Paredes St. sa Binondo sa hindi pa malamang dahilan.

Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Bureau of Fire Protection ( BFP) , Philippine National police ( PNP) at Manila Fire District.

Pinatay naman ng Meralco ang suplay ng kuryente sa lugar para sa kaligtasan ng mga rumesponde at maging ng mga residente at establisyemento na malapit sa lugar.

Edison Domingo Jr.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *