33 pang mga Pulis, nakarekober sa Covid-19

Patuloy na nadaragdagan ang mga Pulis na nakakarekober sa Covid-19.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa 33 ang naitalang mga bagobg recoveries kaya sumampa na sa 8,689 ang mga gumaling sa sakit.

Gayunman, naragdagan din ng 30 ang mga tinamaan ng sakit sa kanilang hanay.

Dagil dito, umabot na sa 9,066 ang Covid-19 cases ng Pambansang Pulisya.

Wala namang naitalang bagong mga namatay kaya nanatili sa 27 ang death toll.

Please follow and like us: