34 katao patay sa pananalasa ng monsoon rains sa India

Tinatayang nasa tatlumput apat katao ang patay matapos ilang kabahayan ang nawasak sa pananalasa ng monsoon rains sa Mumbai, India.

Batay sa report ng National Disaster Response Force, bunsod ng masamang lagay ng panahon nagtumbahan ang mga puno at nagkaroon ng pagguho ng pader sa Eastern Suburb ng Chembur. 

Dalawamput isang bangkay ang narekober ng mga rescuer sa pangyayari.

Habang sa Vikhroli , nasa sampu katao ang nasawi matapos limang bahay ang naapektuhan ng pagguho ng lupa.

Tatlo katao naman ang napaulat ring nasawi sa hiwalay na insidente ng pagbaha sa India.

Inihayag naman ng Indian Meteorological Department na patuloy na makakaranas ng thunderstorms at bahagyang mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan sa susunod na dalawang araw .

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations doon.

Agence France – Presse

Please follow and like us: