35 doktor sasailalim sa pagsasanay sa forensic pathology ng UN expert

Hindi napag-usapan ang mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa sa pagpupulong sa DOJ nina Justice Secretary Crispin Remulla at United Nations Special Rapporteur on EJK Dr. Morris Tidball- Binz.

Si Tidball- Binz ay nasa bansa hanggang Pebrero 9 kasunod ng imbitasyon ni Remulla para sa isang capacity-building mission.

Nilinaw ng kalihim na hindi nagtungo ang dayuhan bilang UN special rapporteur kundi bilang eksperto sa larangan ng forensic pathology.

Courtesy: Radyo Agila

Kumpiyansa ang kalihim na sa ganitong klase ng mga hakbangin ay mapapaigting ang imbestigasyon at prosekusyon ng EJKs.

Aminado si Remulla na dalawa lang ang lisensyadong forensic pathologists sa bansa at naipagwawalang- bahala sa mga nakaraan ang larangan lalo na sa mga kaso ng EJK.

Kaugnay nito, inihayag ng kalihim na magsasagawa ng workshop ang nasabing eksperto sa 35 medical doctors para sa forensic pathology.

Layon aniya nito na masiguro na nakasusunod ang legal system ng bansa sa international standards.

Isasama rin aniya sa pagsasanay ang ilang mga piskal upang mapagbuti pa ang investigative work sa mga kaso ng wrongful deaths sa bansa.

Balak na isagawa ang training sa loob ng 14 hanggang 21 araw sa pagbabalik sa bansa ni Tidball- Binz sa Mayo.

Ibinahagi naman ng kalihim ay Tidball- Binz ang mga hakbangin at pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas para maresolba ang mga kaso ng enforced disappearances at wrongful deaths.

Kasama sa pagpupulong nina Remulla si United Nations Philippines Resident Coordinator Gustavo Gonzalez at iba pang UN officials na makakatuwang sa pagpopondo ng training sa mga doktor at piskal.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *