39 bagong RTC at MeTC judges sa NCR, hinirang ng Palasyo

Kabuuang 39 na bagong hukom ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa regional trial courts at metropolitan trial courts sa Metro Manila.

Sa magkahiwalay na appointment letters mula sa Palasyo, umaabot sa 20 bagong RTC judges ang hinirang sa NCR.

May 19 naman na bagong inilagay na hukom sa MeTCs sa rehiyon.

Ang mga appointees ay itinalaga sa mga korte sa mga lungsod ng Caloocan, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Parañaque, Pasig, Quezon, Las Piñas, Makati, at Taguig.

Moira Encina

Please follow and like us: