459 Inmates ng NBP, inilipat na sa Iwahig Prison sa Palawan

Kabuuang 459 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), nakarating na ligtas sa Iwahig Prison ang PDLs maliban sa isa na na-diagnose ng hypokalemia o masyadong mababang level ng potassium sa dugo.

Sinabi ng BuCor na ang paglipat sa PDLs ay bahagi ng stop gap measures upang maibsan ang siksikan sa Bilibid habang hinihintay na maitayo ang regional prisons.

Ang mga inmate din anila ay makadaragdag sa mga kinakailangang tauhan para sa Reformation Initiative for Sustainable Environment (RISE) for Food Security na proyekto sa Iwahig.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *