50 Pinoy na na-stranded sa Bahrain, nakauwi na

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA), na nakauwi na sa Pilipinas ang 50 na-stranded na Filipino sa Bahrain.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng isang buntis at overstaying Filipinos.

Ayon sa DFA, nakipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa Ministry of Interior ng Bahrain para mabigyan ng exit clearances ang mga Pinoy.

Dagdag pa ng DFA, patuloy na nagkakaloob ang embahada ng tulong para makauwi sa bansa ang mga na-stranded na Pinoy sa Bahrain, bilang bahagi ng Covid response program ng Pilipinas.

Please follow and like us: