51 Pinoy evacuees mula sa Sudan nakatawid na sa Egypt border– DFA

Nakatawid na sa border ng Egypt ang kabuuang 51 Pilipinong evacuees mula sa Sudan.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na sinalubong ang unang batch ng evacuees ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago.

Marami pang mga bus na may lulan na 350 Pilipinong evacuees ng inaasahang darating sa Egypt.

Tinatayang nasa 740 Pinoy ang nasa Sudan na karamihan ay professional habang ang iba ay nagtatrabaho sa agricultural companies, mga estudyante at household service workers.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *