6 na sasakyan, nagkarambola sa Quezon City

Nawalan ng kontrol ang isang 6-wheeler truck sa kahabaan ng San Mateo road, Batasan, Quezon City kagabi.
Dahil sa insidente, nagresulta ito ng pagsalpok ng lima pang sasakyan na kasunod ng truck  kabilang ang dalawang taxi, dalawang AUB at isang tricycle dahil sa biglaang pag-atras nito.
Ayon sa driver ng nadamay na sasakyan, mabilis ang pag-atras ng truck sa paahong bahagi ng San Mateo road kung kaya hindi na nila ito naiwasan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang pahinante ng truck.
Nagkalat sa kalsada ang mga bubog ng salamin ng truck.
Paliwanag naman ng river ng truck, galing umano sila ng Marikina City at patungo sana ng Valenzuela at pagdating sa paahong bahagi ng San Mateo road ay nawalan na ng preno ang sasakyan.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ====
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *