6 patay sa Eastern Visayas sanhi ng bagyong Odette

Anim ang naitalang patay sa pananalasa ng bagyong Odette sa Eastern Visayas.

Ayon kay Lord Byron Torrecarion, Regional Director ng Office of the Civil Defense, ito ay batay sa inisyal na ulat pa lamang.

Aniya, dalawa sa mga namatay ay mula sa Sogod, Southern Leyte habang tig-isa naman sa Macrohon, Leyte; Inopacan, Leyte; Maasin, Leyte; at Liloan, Leyte.

Sabi ni Torrecarion na ang mga ito ay nailikas na sa mga evacuation center pero bumalik sa kanilang mga tahanan para tingnan ang kanilang kagamitan.

Hindi na sila nakabalik pa dahil inanod na aniya sila ng rumaragasang tubig.

Please follow and like us: