600 inmates sa Sablayan Prison and Penal Farm, naturukan na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19

Kabuuang 600 persons deprived of liberty (PDLs) sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa Bureau of Corrections, ang mga binakunahan ay ang mga PDLs na senior citizens at may comorbidities

Isinagawa ang vaccination rollout sa Central Prison Compound ng kulungan.

Pinangunahan ng Sablayan Municipal Health Office ang pagbabakuna sa mga preso.

Nagpasalamat ang liderato ng SPPF sa Sablayan MHO sa pagkakaloob ng mga bakuna para sa mga inmates.

Sa datos ng BuCor, nasa 2,400 ang bilang ng mga PDLs sa Sablayan Prison.

Moira Encina

Please follow and like us: