Oil Price hike asahan na sa susunod na linggo-DOE

Posibleng magpatupad ng oil price hike sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy o DOE, bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Aaabot sa piso (P 1.00) ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang ang diesel ay may pagtaas na siyamnapung sentimo (P 0.90).

May dagdag rin sa presyo ng kerosene at gaas na aabot sa siyamnapu’t limang sentimo (P 0.95) kada litro.

Inaasahang sa Martes ipatutupad ang big time oil price hike.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *