Sen. Trillanes, naniniwalang sangkot si Faeldon sa pagkakalusot ng illegal na droga sa BOC

Kumbinsido si Sen. Antonio Trillanes na sangkot at may kinalaman sa shipment ng mahigit 6 na bilyong pisong halaga ng ilegal na droga si Customs Commissioner Nicanor Faeldon

Ayon kay Trillanes, mayroon siyang nakalap na impormasyon na magdidiin kay Faeldon sa kontrobersyal na pagpapalusot ng mahigit animnaraang kilo ng shabu

Apela ni Trillanes kay Faeldon tigilan na ang kanyang ‘malingering’ o pagpapanggap na may karamdaman at magkaroon ito ng lakas ng loob na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Tiwala naman si Trillanes na base sa kanyang pagkakilala sa kanyang mga kaklase sa PMA na sina Depcom Gerry Gambala at Director Milo Maestrecampo, walang kinalaman ang mga ito sa sindikatong nagpalusot ng higit 6 na bilyong pisong halaga ng shabu sa BOC.

Umaasa si Trillanes na sa matapang na pagharap nina Gambala at Maestrocampo sa mga imbestigasyon ay doon totoong madedetermina kung sila nga ay inosente o mayroong pagkakasala.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *