64% ng target population sa CALABARZON, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umaabot na sa 64% ng target na populasyon sa CALABARZON ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 8,324,154 o 64% ng target population na 12.35 million ang fully vaccinated na sa rehiyon.

Ang Cavite naman ang may pinakamarami nang nabakunahan ng kumpletong dose na 70% o mahigit 2.41 milyong katao ng target nito.

Sumunod ang Laguna na 69% o 1.85 milyong indibiduwal na fully vaccinated.

Umaabot naman sa mahigit 9.45 milyong katao sa Region IV-A ang naturukan ng unang dose habang lagpas 808,000 ang nagpa-booster shot na.

Moira Encina

Please follow and like us: