Mariing itinanggi ng nagpakilalang broker/fixer na si Mark Ruben Taguba na sangkot sa shipment ng 6.4 billion pesos na shabu shipment si Presidential son at Davao Vice Mayor Paolo Duterte at ang bayaw nito na si Manases Carpio.

Sa kaniyang testimomya sa Senado, sinabi ni Taguba na nagbigay ito ng limang milyong piso kay Davao Councilor Nilo Abellera na umano’y kumakatawan sa Davao group.

Pero sa isang statement na inilabas ng kaniyang abugado na si Atty. Raymund Fortune, nilinaw nito na hindi nya tinukoy sina Paolo Duterte at Carpio na sangkot sa drug shipment.

Ang pangalan ng dalawa ay nabanggit lang sa pakikipag-usap nia sa mga umano’y miyembro ng Davao group na kinabibilangan nina Tita Nani at Jack.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *