6,539 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Lunes

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,539 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,276,004 ng kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 58,854 naman ang aktibong kaso.

Samantala, may 6,969 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,195,181 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 71 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 21,969 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: