67 katao, nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Germany at Belgium

Malalakas na ulan at pagbaha ang idinulot nang pananalasa ng bagyo sa Western Europe .

Dahil dito , inihayag ng mga awtoridad na limampu’t siyam ang nasawi sa Germany habang walo naman sa Belgium.

Marami pa anila ang mga napaulat na nawawala matapos salantain ng tubig baha ang ilang mga bahay.

Binaha ang maraming lugar sa Luxembourg, The Netherlands, Belgium at Germany.

Ito umano ang pinakamalalang weather disaster na naranasan ng Germany simula noong World war II.

Maraming mga residente sa Ahrweiler Region ang nasa bubong na ng kanilang bahay dahil sa pagtaas ng tubig baha.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang rescue operations ng mga awtoridad gamit ang mga helicopter.

Agence France-Presse

Please follow and like us: