6,784 panibagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Biyernes

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,784 bagong mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,131,467 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 58,986 naman ang aktibong kaso.

Samantala, mayroon namang 2,972 naitalang bagong gumaling mula sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,053,523 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 137 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus kaya umabot na sa 18,958 ang death toll sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: