7 sa 16 na prosecution offices sa NCR, nakakuha ng outstanding rating noong 2021

Pitong prosecution offices sa NCR ang nakakuha ng pinakamataas na performance ratings noong 2021.

Ang mga ito ay ang city prosecution offices ng Pasig, Las Piñas, San Juan, Makati, Muntinlupa, Pasay, at Caloocan.

Courtesy: NPS

Batay ito sa inilabas ng National Prosecution Ssrvice na 2021 Performance Rating and Ranking.

Ayon sa NPS, ang mga nasabing piskalya ay nakakuha ng final weighted score na 5.0 na katumbas ng outstanding rating.

Courtesy: NPS

Sinabi pa ng NPS na ang Muntinlupa OCP ay tatlong taon na magkakasunod na may outstanding na grado.

Sa kabuuan ay matataas ang performance ratings ng 16 na NCR offices.

Ang mataas na rating ng mga piskalya ay bunsod ng mga ipinatupad na programa at case monitoring systems sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: