70th edition ng Miss Universe pageant , gaganapin sa Disyembre 2021

Inanunsyo ng Miss Universe Organization na itutuloy na sa Disyembre ng taong kasalukuyan ang 70th edition ng Miss Universe beauty pageant.

Gaganapin ito sa Eilat , Israel.

Gayunpaman ay hindi pa inilalabas ang exact date ng patimpalak.

Sa kasalukuyan , may apat na Miss Universe title holders ang bansa na sina Gloria Diaz noong 1969, Margie Moran noong 1973 , Pia Wurtzbach noong 2013 at panghuli si Catriona Gray ng taong 2018.

Magugunitang ginanap ang 69th edition ng Miss Universe nitong Mayo sa Florida, United states matapos itong ipagpaliban noong 2020 dahil sa pandemya.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na dalawang pageant ang isasagawa sa magkaparehong taon.

Dalawang Miss Universe competition ang ginanap noong 2015 at 2017.

Kasalukuyang hawak ni Andrea Meza ng Mexico ang korona.

Makikilala naman ang magiging pambato ng bansa sa Miss Universe sa darating na September 25.

Please follow and like us: