8 bus terminals sa Q.C ipinasara matapos mabigong sumunod sa nose in, nose out policy ng MMDA

 

Ipinasara na ang walong bus terminals sa Quezon City matapos mabigong sumunod sa nose in, nose out policy ng Metropolitan Manila Development Authority.

Ayon sa MMDA, dalawang bus terminals lamang ang sumunod sa nasabing panuntunan.

Kabilang sa mga pasaway na bus terminals  na ipinsara ang DLTB, Lucena Lines, Raymond Tranport, St. Raphael at Our Lady of Salvation,  Super Lines at Victory Lines.

Tiniyak naman ng MMDA na hindi maaapektuhan ang commuters sa pagpapasara ng nasabing bus terminals.

Malinaw sa nose in , nose out policy ang pagpasok muna ng mga bus sa unahang bahagi ng kanilang terminal at huwag gamitin ang EDSA para makapagmaniobra papasok at palabas ng kanilang terminal na nagiging dahilan ng trapiko.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *