8 crew ng barge na tumagilid sa katubigan ng Northern Samar kamakailan, nasa maayos nang kundisyon

Isang barge na naglalaman ng 500 metric tons ng black sand at 1.5 metric tons ng boulders ang tumagilid sa katubigang sakop ng Barangay Tumaguinting sa Laoang, Northern Samar nitong Sabado.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sa kanilang inisyal na imbestigasyon nakasagupa umano ng malalakas na alon at hangin ang MT Kurt Matthew na humihila sa barge naging dahilan para madala sila sa mababaw na bahagi ng ilog.

Ayon sa PCG, kalahati ng MTUG KURT MATTHEW at SKIPTON ang nalubog sa tubig.

Ligtas naman ang lahat ng 8 crew nito at nasa maayos na kondisyon.

Sa ocular inspection ng PCG Search and Rescue Team, wala namang nakitang palatandaan na may oil spill sa lugar.

Madz Moratillo

Please follow and like us: