8 pang OFWs mula sa Lebanon, nakauwi na sa bansa

Nadagdagan pa ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakauwi sa bansa mula sa Lebanon.

Dumating ng Miyerkules ng gabi sa NAIA Terminal 3 ang walo pang Pinoy workers galing sa Lebanon.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ito na ang ikasiyam na batch ng repatriated OFWs mula sa Lebanon na apektado ng away sa pagitan ng Israel at Hezbollah kaugnay pa rin ng Israel- Hamas war.

Umaabot na sa 36 OFWs mula sa Lebanon ang bumalik ng bansa mula nang magsimula ang gulo sa Israel.

Nakatanggap ang mga OFW ng mga pinansiyal na tulong at iba pang assistance mula sa DMW at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Mamayang gabi ay inaasahan namang uuwi ang panibagong batch ng mga Pinoy mula sa Israel na binubuo ng 32 OFWs at limang bata.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *