8 police generals inilipat ng pwesto sa pinakahuling rigodon sa PNP

Pormal nang naupo sa kanilang mga bagong pwesto ang 8 heneral na napasama sa pinakahuling balasahan ng Philippine National Police (PNP).

Sa isinagawang mass turn-over sa Kampo Crame, naitalaga na bilang bagong Regional Director ng NCRPO si PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. mula sa directorate for intelligence.

Pinalitan nya sa pwesto si PMGen. Edgar Alan Okubo na inilipat naman bilang director ng Police Community Relations.

Pinalitan ni Okubo si Maj. Gen. Mario Reyes na naupo na bilang bagong director ng Directorate for Logistics.

Umupo naman sa Directorate for Intelligence si Maj. Gen. Jon Arnaldo na mula sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD).

Mula naman sa Philippine National Police Academy (PNPA), umupo na rin bilang bagong Director ng Investigation ang Detective Management si PMaj. Gen. Eric Noble, habang itinalaga naman sa PNPA si Brig. Gen. Samuel Nacion

Si PBGen. Ronald Lee naman ang bagong director ng DHRDD habang su BGen. Alan Nazarro naman ang acting director ng PNP Highway Patrol Group (HPG).

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *