80 Pamilyang nasunugan sa Bahay Toro, QC, pansamantalang nanunuluyan sa isang Elementary School

Pansamantalang nanunuluyan sa Toro Hills Elementary School ang 80 pamilyang nasunugan sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City.

Sila ay tinulungan at inaalalayan ng Pamahalaang Panglunsod maging ang mga nasa hanay ng Social Services Development Department (SSDD) para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Pinagkalooban ang mga pamilya ng mga tent, mga pagkain at mga damit.

Pero paalala naman ang lokal na pamahalaan na sundin ng mga evacuees ang minimum health protocol lalo na at nananatili ang banta ng virus.

Ian Jasper Eleazar, EBC Correspondent

Please follow and like us: