9 milyong halaga ng mga smuggled na sibuyas, nasabat ng BOC sa Subic

Aabot sa siyam na milyong halaga ng mga misdeclared red onions ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Subic.

Nakumpiska ang nasa 3×40 container ng sariwang pulang sibuyas nitong June 14 pero dumating ang kargamento sa Port of Subic noong May 29.

Ang shipment ay nakadeklara bilang fresh yellow onions at naka-consignee sa Gingarnion Agri Trading.

Natuklasang wala itong Sanitary at Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry.

Please follow and like us: