Dating security Guard ng Pogo, arestado sa pagbebenta ng International Mobile Subscriber Identity o (IMSI) catcher

Arestado sa entrapment operation ng PNP Anti-Cybercrime Group, ang isang dating security guard ng POGO dahil sa pagbebenta ng IMSI catcher o mas kilala bilang Text blast machine
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Director Brig. Gen. Bernard Yang, namonitor nila ang suspek matapos niyang i-post sa social media ang ibinibentang aparato sa halagang 600 thousand pesos.

PNP Anti-Cybercrime Group Director Brig. Gen. Bernard Yang
Tinawaran ito ng mga pulis sa halagang 450 thousand pesos at napapayag ang suspek na makipagkita sa kanila sa Pasay City kung saan sya inaresto.
Ayon sa suspek, binili nya ang makina sa dating employer mula sa POGO na umano’y nagsara at huminto na sa operasyon.
Pero hindi raw nya alam i-operate ang makina kaya nya ito ibinibenta.
Ayon sa awtoridad, delikado kung mapapasakamay ng mga kriminal ang text blaster na maaring magamit sa panloloko.

International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher
May kakayahan kasi ang aparato na harangin ang signal ng telcos at magpadala ng text message sa mga cellphone na pasok sa kanyang 500 meter range.
Karaniwan itong ginagamit ng mga scammer upang magpadala ng mensahe na may phishing link.
Maaari din itong magamit ng mga pulitiko ngayong nalalapit na eleksyon.
Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa NTC law at Data Privacy Act of 2012.
Mar Gabriel