Mga tauhan ng Bureau of Immigration na responsable sa pagtakas ng isang puganteng South Korean sinibak

Courtesy: BI
Sinibak na ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado, ang ilan nilang tauhan na responsable kaya nakatakas ang isang puganteng South Korean National.
Nakatakas umano ang dayuhan sa pamamagitan ng cr sa isang court room sa Quezon City.
Kasabay nito, ipinag utos rin ni Viado ang imbestigasyon kung mayroon pang iba na sangkot, makaraang makatakas ang high-profile Korean fugitive.
Hindi umano nya kukunsintihin ang pagkamali ng kanilang mga tauhan anuman ang kaniyang posisyon.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Viado ang manhunt operation para muling madakip ang Korean fugitive na si Na Ikhyeon.
Si Na ay wanted umano sa South Korea dahil sa investment scam.
Pero kahit naaresto noon pang 2023 ay hindi sya naipadeport dahil sa kinakaharap na kasong estafa sa Pilipinas.
Inatasan na ni Viado ang pagsasagawa ng
internal audit sa kanilang mga tauhan na naka-assign sa high-risk deportation at detention cases, para maiwasan na mangyari muli ang insidente.
Madelyn Villar-Moratillo