DOLE, sang-ayon sa pahayag ni Pangulong Duterte na huwag masyadong higpitan ang pagpasok sa bansa ng mga Chinese nationals

Sang-ayon si Labor secretary Silvestre Bello III sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan nang makapasok sa Pilipinas at huwag masyadong higpitan at pagbawalan na magtrabaho sa bansa ang mga Chinese Nationals.

Ayon sa kalihim, ito ay para na rin naman sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa China upang hindi sila gantihan ng pagpapauwi sa bansa.

Magkagayunman, hindi naman ito nangangahulugan na hindi na papatawan ng parusa ang mga Chinese nationals  sakaling nakitaan ng mga paglabag.

Ang gusto lang ng ating Pangulo ay huwag pahirapan halimbawa kung mag-apply sila ng permit ay huwag natin masyadong istriktuhan. Pero yung mga iligal ay hindi natin dapat payagan”.- Sec. Bello

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *