Abalos, nanawagan sa mga LGU na palakasin ang anti-drug council

Nanawagan si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa mga alkalde at gobernador na palakasin ang kani-kanilang barangay anti-drug council.

Ito ay upang makamit ang target ng pamahalaan na mapalakas ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Abalos, ang mga anti-drug abuse council ng bawat barangay ang nagsisilbing first line of defense kontra sa ipinagbabawal na gamot.

Kailangan aniyang simulan sa mga barangay ang pagpapaigting sa giyera kontra droga ng gobyerno.

Seryoso aniya ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpatuloy ang walang humpay na paglaban sa iligal na droga at pagresolba ng mga suliranin simula pa lamang sa mga komunidad.

Please follow and like us: