Adjusted Class schedule sa Caloocan city sa susunod na linggo
![](https://www.radyoagila.com/wp-content/uploads/2024/04/CALOOCAN.png)
Inilabas na ng Caloocan city Government ang Adjustment schedule para sa mga estudyante sa kinder hanggang Senior High School para sa susunod na linggo, o School week April 8 to 12, 2024.
Ayon sa Caloocan Schools Divisions Office, alas-sais hanggang alas-onse y medya ng umaga ang face to face class ng Lunes , Martes at Biyernes habang Asynchronous naman tuwing Miyerkules at Huwebes.
Ito ay para sa mga morning shift na klase.
Habang ang mga pang-hapon na klase ay Asynchronous naman tuwing Lunes at Martes at Face to Face classes naman mula alas-sais hanggang alas-onse y medya ng umaga, Miyerkules hanggang Biyernes.
Samantala,naka-depende naman sa mga namumuno ng mga pangpribadong paaralan ang pagsususpende ng pasok sa kani-kanilang eskwelahan o pagpapatulad ng blended o Alternative Modes of Teaching.