Airstrike sa Marawi City, hindi pa rin ititigil ng AFP

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines  na hindi ititigil ng militar ang paglulunsad ng airstrike sa Marawi City.

Ito’y sa kabila ng pumalyang airstrike sa Lungsod na ikinamatay ng dalawang sundalo at ikinasugat ng labing isa.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, mahalaga ang kanilang gagawing airstrike sa Marawi laban sa mga teroristang Maute na nagtatago sa mga matitibay na mga istruktura.

Kinumpirma naman ni Arevalo na suspendido ngayon ang ginamit na aircraft sa sumablay na airstrike.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *