Aklan Mayor, payag sa citizen’s arrest para mapanatiling malinis ang Boracay


Asahan na ang bagong mukha, malinis at green waters ng Boracay island sa muling pagbubukas nito sa October 26.

Pero bukod dito, sinabi ni Aklan Mayor Ciceron Cawaling na asahan rin ang panibagong patakarang ipatutupad ng Boracay task force agency.

Samantala, payag din ang alkalde sa panukala ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na Citizen’s arrest kung saan mga mamamayan na ang sisita at darakip sa mga dayuhan o mamamayang makikitang nagtatapon ng basura sa isla.

Matatandaang sa dry- run opening ng Boracay, may mga turista na namang nagtapon ng mga basura sa beachfront.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *