Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa mahigit 66 na libo

Umabot na sa 66,895 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 8,127 na bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa, habang 4,343 naitalang bagong gumaling.

May 196 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 28,427 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Sa ngayon ay 1,627,816 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,532,494 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: