Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, bumababa na

Unti-unti nang bumababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development-CALABARZON nitong October 11, umaabot na lang sa 34,162 ang active cases sa rehiyon mula sa 40,888 noong October 4.

Nakapagtala ang rehiyon ng 1,032 bagong kaso ng sakit pero may bagong gumaling na 1,651 pasyente.

Sa kabuuan ay 362,305 ang nagpositibo sa COVID sa Region IV-A

Mula sa nasabing bilang, gumaling na ang 317,669 at pumanaw naman ang 10,474.

Patuloy na hinihikayat ng mga opisyal ng DOH CALABARZON ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo na’t dumarami na ang alokasyon ng bakuna sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: