Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, nasa mahigit 5,400 na


Naragdagan ng 384 bagong kaso ng COVID-19 ang rehiyon ng CALABARZON.

Dahil dito, aabot na sa 5,417 ang aktibong kaso ng COVID sa rehiyon.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 82,665 ang kumpirmadong nahawahan ng virus sa Region IV-A.

Nakapagtala naman ng 103 bagong gumaling mula sa sakit kaya 74,871 na ang bilang ng recoveries sa CALABARZON.

Nasa 2,377 naman ang namatay sa sakit matapos makapagtala ng limang bagong pumanaw.

Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases sa rehiyon na 2,029, sumunod ang Rizal na 1,414, at Laguna na 1,229.

Moira Encina

Please follow and like us: