Aktor na si Arjo Atayde, naghain na rin ng COC para sumabak sa Congressional race

Naghain na rin ng kandidatura para tumakbo bilang Kongresista sa Unang Distrito ng Quezon City ang aktor na si Arjo Atayde.

Si Atayde ay personal na nagtungo sa tanggapan ng Comelec- National Capital Region kasama ang kaniyang mga magulang at si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Bagamat independent candidate si Atayde ay tatakbo sa ilalim ng partido ni Mayor Belmonte.

Sakaling palarin sa puwesto, sinabi ni Atayde na tututukan niya ang pangangailangan ng mga taga-1st district ng Quezon City para masigurong makakarating sa kanila ang nararapat na serbisyo.

Sa ilalim aniya ng kanyang slogan na Aksyon Agad, makasisiguro ang mga taga-unang Distrito ng Quezon City na mararamdaman nila ang mabilis na pagtugon sa kanilang pangangailangan lalo na sa mga mahihirap na napag-iwanan ngayong panahon ng Pandemya.

Tiniyak ni Atayde na bagamat wala siyang karanasan sa pulitika ay handa siyang magserbisyo sa bayan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: