Aktor na si Bernardo Bernardo, pumanaw na

Namatay na ang batikang film at theater actor na si Bernardo Bernardo.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamangkin na si Susan Vecina Santos.

Ayon kay Santos, namatay ang aktor kaninang umaga.

Ang 72-anyos na si Bernardo ay na-diagnose na may tumor sa kaniyang pancreas noong Enero.

Nito lamang Enero at Pebrero ng kasalukuyang taon, nagdaos pa ng benefit show para kay Bernardo ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz.

Itinanghal na Best supporting actor si Bernardo sa Gawad Urian noong dekada 70’s para sa pagganap niya sa pelikulang “Manila by Night”.

Matagal din siyang naging bahagi ng sitcom na “Home along da Riles”.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *