Akusasyon ni Pangulong Duterte kay Chief Justice Ma. Lourdes Serreno, hindi trial by publicity – Malacañang

Naninindigan ang Malakanyang na hindi trial by publicity ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang corrupt na Chief Justice si Maria Lourdes Serreno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bilang abogado si Pangulong Duterte ay mayroong ebidensiyang pinanghahawakan laban sa punong mahistrado.

Ayon kay Abella sa tamang panahon ilalabas ng Pangulo ang kanyang ebidensiya.

Inihayag ni Abella na may karapatan ang Pangulo na maglabas ng kanyang opinyon hinggil sa kanyang nalalaman sa mga umanoy anomalya na kinasasangkutan ni Chief Justice Serreno.

Nauna rito, inaakusahan ng Pangulo si Chief Justice Serreno na may itinatago dahil hindi nito isinama sa kanyang Statement of Assests Liabilities and Networth o SALN ang kanyang kinita sa PIATCO.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *