Alert level 3 sa bulkang Mayon pananatilihin ng PHIVOLCS

Pananatilihin muna ang alert level 3 status ng bulkang Mayon kahit naitala ang lava fountain sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, apat na lava fountain ang naitala sa magdamag na hindi naman nangyayari nitong nakalipas na mga araw.

Gayunman, hindi pa ito sapat para itaas ang alert level 4.

Sinabi ni Solidum na ngayong araw ay patuloy na babantayan ang pag-aalburuto ng bulkan.

Kabilang sa susubaybayan ang dami ng sulfuric gas na inilalabas nito at kung gaano kamaga ang bulkan.

picture ctto Richard Esplana

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *