Alert level na ipatutupad sa NCR at iba pang panig ng bansa simula May 16 – May 31 , pag-uusapan pa sa meeting ng IATF

Pag-uusapan pa sa meeting ng Inter Agency Task Force o IATF ang alert level sa National Capital Region o NCR at iba pang panig ng bansa kaugnay parin ng kaso ng COVID- 19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na magpupulong ang IATF ngayong weekend para pagdesisyunan ang alert level na iiral sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Andanar sa ulat ng Department of Health kay Pangulong Rodrigo Duterte patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa kabila na nagkakaroon ng mga super spreader events kaugnay ng political campaign.

Inihayag ni Andanar bago matapos ang May 15 ay i-aanunsiyo ng IATF ang alert level classification sa ibat-ibang panig ng bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: