All-pink ensemble ng Marvel actor na si Sebastian Stan sa Met Gala 2022, lumikha ng bulung-bulungan sa mga Pinoy

US-Romanian actor Sebastian Stan arrives for the 2022 Met Gala at the Metropolitan Museum of Art on May 2, 2022, in New York. The Gala raises money for the Metropolitan Museum of Art’s Costume Institute. The Gala’s 2022 theme is “In America: An Anthology of Fashion”.
ANGELA WEISS / AFP

Umani ng iba’t-ibang komento mula sa mga Pinoy, ang all-pink ensemble ng Hollywood actor na si Sebastian Stan nang dumalo ito sa taunang Met Gala, sa gitna na rin ng nalalapit na halalan sa Pilipinas ngayong Mayo.

Ang Marvel star ay nakasuot ng pink overcoat, pink long-sleeved shirt, bomber jacket, trousers at pink sneakers sa kaniyang pagdalo sa Met Gala 2022, na may temang In America: An Anthology of Fashion” na ang dress code ay “gilded glamour.”

Ito na ang ikalawang volume ng two-part Costume Institute exhibition,na ang una ay ang “In America: A Lexicon of Fashion,” noong 2021.

Valentino ang clothing brand na suot ni Sebastian at sa paglalarawan niya sa kaniyang instagram post tungkol sa suot niya, ito ay “spring time in New York.”

Please follow and like us: