Amihan mararamdaman hanggang katapusan ng Pebrero

Maaari pang maranasan sa ilang lugar sa bansa ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Ito ang naging pagtaya ng PAGASA  kahit pa nasa isa o walang bagyong inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan.

Dahil sa Amihan, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang nararanasan sa Batanes at Babuyan islands ngayong huwebes.

Pulu-pulong ulan naman na may bahagyang maulap na papawirin ang dulot ng Easterlies sa silangang bahagi ng bansa partikular sa Davao Region, Caraga at Southern Leyte.

Dito naman sa Metro manila at nalalabing bahagi ng bansa ay Easterlies at Localized thunderstorms ang umiiral.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *