Anim na pinoy patungong Jordan, naharang ng BI sa NAIA

Anim na pinoy na nagpanggap ng pilgrims at patungo sana sa Jordan ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, pasakay na sana sa eroplano ang mga nasabing pasahero ng harangin ng immigration protection and border enforcement section sa NAIA terminal 1.

Ang claim nila, magkakasama umano sila para sa pilgrimage pero hindi naman nila alam ang travel itinerary at hindi rin magkakakilala.

Dalawa sa mga pasahero ang dati na umanong naharang noong Setyembre dahil sa inconsistencies sa statements at mga dokumento.

Sa huli napag-alaman ng BI na maghahanap pala ng trabaho ang mga ito sa Jordan.

Umamin din ang mga ito na pinagbayad sila ng mula 75 hanggang 150 libong piso bawat isa.

Isang lalaking pastor ang itinuturing nilang nag-arrange umano ng kanilang biyahe.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *