Anim na sundalo , patay sa pag-atake ng Boko Haram fighters sa Cameroon

Anim na sundalo sa Cameroon ang nasawi sa pag-atake ng Boko Haram fighters.

Ayon kay Far North region Governor Bakari Midjiyawa na umatake ang grupo ng Boko Haram sakay ng anim na sasakyan at armado ng matataas na kalibre ng baril.

Nangyari ang pag-atake sa bayan ng sagme , ilang kilometro ang layo sa border ng Nigeria kung saan nagmula ang Boko Haram.

Sinabi ng gobernador na apat pang sundalo ang nasugatan sa pag-atake.

Inihayag ng mga awtoridad na lalong pinalalakas ng Boko Haram at ng breakaway faction na Islamic state West Africa province ang pag-atake laban sa security forces at sibilyan sa hilagang bahagi ng Cameroon at maging sa mga border regions ng mga karatig bansa sa Nigeria , Niger at Chad.

Agence France – Presse

Please follow and like us: