Antas ng tubig sa ilang Dam sa Luzon, bahagyang bumaba

Bumaba ang anta sng tubig sa ilang mga dam sa Luzon.

Sa datos ng Pag-Asa Hydrometeorology Division, bumaba sa 198.12 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kumpara sa antas nito kahapon na 198.38 meters.

Bumaba rin sa 78.59 meters ang anta sng tubig sa La Mes dam mula sa antas nito kahapon na 78.61 meters.

Bumaba rin ang lebel ng tubig sa ilang mga dam gaya sa San Roque at Caliraya dam.

Samantala, bahagya namang tumaas ng ilang metro ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat dam.

Habang walang naging pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo at Pantabangan dam.

Please follow and like us: